SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG
TALAGANG hindi maitatatwa na ngayong madalas manalasa ang baha at marami nang sinisira, saka lamang lubusang napagtutuunan ng pansin ang pagtatanim ng mga punongkahoy ng ilang lokal na pamahalaan.
Siyempre, maraming nagpapayo na magtanim ng mga puno para mapigilan daw ang pagbaha.
Bukod dito, nananawagan ang ilang sektor na magtanim ng mga puno ang mamamayan.
Wala na raw ang mga puno sa mga kabundukan at kagubatan dahil pinutol na ng illegal loggers.
Aba’y mabuti na lang at may mga grupo na tumutugon dito tulad na lamang ng Pitmaster Foundation, Inc.
Kung hindi ako nagkakamali, nasa kabuuang 250 ektaryang kabundukan sa lalawigan ng Laguna at Quezon ang na-reforest na ng Pitmaster kung saan si Charlie ‘Atong’ Ang ang siyang nagsisilbi bilang Chairperson.
Sa mga hindi pa nakakaalam, ang Pitmaster ang siyang ‘corporate social responsibility’ (CSR) arm ng Lucky 8 Star Quest na itinuturing bilang isa sa pinakamalaking taxpayer sa bansa matapos itong makapag-remit sa kaban ng bayan ng P2.6B.
Pahayag nga ni Atty. Caroline M. Cruz, Executive Director ng Pitmaster, layunin nito na punan ng mga bagong puno ang mga nakakalbong kabundukan sa mga probinsya ng Laguna at Quezon.
Tunay na mahalagang investment ang pagtatanim ng mga puno.
Hindi lamang kasi ito para sa ating kalikasan kundi bilang proteksyon na rin laban sa climate change.
Ang malawakang pagbabago ng klima ay laganap sa buong mundo.
Halagang P30M ang naipamigay na ayuda ng Pitmaster sa mga tricycle drivers at iba pang sektor na nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.
Maliban pa rito, nasa 6,300 wheelchairs naman ang naipamahagi nila sa mga persons with disabilities (PWDs).
Nasa 1 ½ year pa lang ang Pitmaster foundation pero nakapagbigay na ito ng pagkain sa halos 350,000 pamilyang Pinoy.
Aabot din sa 13,000 Filipinos ang natulungan ng foundation sa pamamagitan ng dialysis treatment.
Tunay na kapaki-pakinabagn agn reforestation ng Pitmaster dahil ang pagtatanim ng puno ang pinaka-epektibong paraan kung paano mapipigilan ang pagbaha.
Noon pa man ay ginagawa na ang pagtatanim ng puno. Noong mga huling taon ng dekada 70, obligado ang mga estudyante na magtanim ng punongkahoy.
Ang mga sumasali sa Alay Lakad noon ay kinakailangang makapagtanim ng puno.
Kung matatandaan, ang mga kadete ng ROTC noong mga panahong iyon ay nagtutungo sa mga kabundukan at nagtatanim ng mga puno.
Mabuhay kayo, mga bossing, at more power po!
241