Bizzness Corner
MADISKARTE talaga ang mga Pinoy. Sabi nga ‘pag gusto may paraan basta focus ka lang.
Kagaya ng may-ari ng Pixie’s Ice Cream. Ang tatay talaga niya ang gumagawa pero pangkaing personal, ika nga, at isang flavor lang – chocolate walnut.
Then, nagpaturo siya kung paano gumawa ng ice cream. Ipinatikim niya ito sa mga kaibigan at family members na pawang nagustuhan naman ang lasa.
Dahil masarap, nag-suggest ang mga ito bakit hindi siya magbenta. Dito na siya nag-try ng iba’t ibang flavors. Dito na rin nag-start ang Pixie’s Ice Cream.
Kwento ng owner, “Actually this year naitatag ang negosyong ito located sa San Mateo, Rizal.”
Sa ngayon ay may pitong flavors na ang kanilang homemade ice cream.
Ang kaibahan aniya nito sa karaniwang ice cream, ang gawa nila ay hindi masyadong matamis kaya swak sa panlasang Pinoy.
“Bagong business adventure pero dahil sa determinasyon at focus ay lalong sumarap ang paggawa ng Pixie’s Ice Cream, dagdag mo pa ang motivation at pagmamahal. At imagine nag-start kami sa capital na P4,000. Sa liit ng kapital noon, ngayon isa nang ganap na maunlad na negosyo,” masayang kwento ng ice cream maker.
Ang mapapayo ng Pixie’s Ice Cream sa mga gustong pasukin ang ganitong larangan ng negosyo, maging masipag, mag-explore, tumuklas ng iba’t ibang klase ng flavors at kung anong mga sangkap na lalong magpapasarap sa produkto at kailangan ay mahal mo at gusto mo ang iyong ginagawa mo.
Dapat tandaan, bawat trabaho ay gawin nang masaya para smooth at matagumpay. Bukod diyan dapat isaisip ang pagiging affordable at quality over quantity.
