PNP AIR UNIT NAGRONDA SA METRO MANILA PARA SA SONA SA LUNES

NAGSAGAWA ng sky patrol at probling flight ang PNP Air unit sa Metro Manila bilang paghahanda sa SONA ni Pangulong Marcos sa Lunes.

Layon na subukan ang kahandaan ng mga piloto at air assets na ideploy para sa ikaapat na SONA ni PBBM sa Batasang Pambansa.

Mismo ang hepe ng Air Unit na si Police Col. Serafin Fortuno Petalio II, ang nanguna gamit ang H125 Airbus helicopter mula sa Manila Domestic Airport.

Kahit masungit ang panahon dulot ng habagat at bagyo ay maayos namang naisagawa ng police aviators ang pagpapatrolya.

Magpapakalat naman ang PNP ng nasa 13,000 kapulisan sa paligid ng Batasang Pambansa sa araw ng SONA.

Wala namang nakikitang banta ang PNP subalit mayroon namang naka-standby na mga tauhan sakaling kailanganin ng karagdagang pwersa. (TOTO NABAJA)

99

Related posts

Leave a Comment