IKINATUWA ni PNP chief General Rommel Francisco Marbil ang pagbasura ng Department of Justice sa reklamo ni KOJC administrator at ex-president Rodrigo R. Duterte kaugnay sa pag-aresto kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa kanyang pagharap nitong Biyernes sa mga mamamahayag sa Kampo Crame, labis ang pasasalamat ni Marbil kaugnay sa desisyon ng DOJ at sa iba pang opisyal. Aniya, parte lamang ng kanilang trabaho nang arestuhin nila si Quboloy at naniniwala siya na lehitimo ang kanilang operasyon.
Ayon kay Marbil, makapagreretiro na sya na walang kaso matapos ang pagbasura ng DOJ sa reklamo laban sa kanya. Matatandaan na inaresto si Quiboloy noong nakaraang taon na inalmahan ng kanilang mga miyembro dahil sa hindi umano makatwiran na paghahain ng search warrant sa kanilang lider sa loob ng KOJC compound.
(TOTO NABAJA)
