POGO SA ANGELES CITY IKINANDADO SA HUMAN TRAFFICKING

MISMONG si Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, kasama ang mga tauhan ng Police Regional Office 3 (PRO3), ang nagpasara sa isang establisimyento ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Angeles City noong Sabado ng hapon.

Kasunod ng isinagawang operasyon ay na-rescue sa POGO establishment ang 43 foreign nationals na sinasabing napilitang magtrabaho rito.

Kasama ni Abalos si PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen at iba pang police officials nang salakayin at tuluyang ipasara ang  Lucky South 99 Outsourcing Inc. sa Fil-Am Friendship Highway, Angeles City.

Ayon sa DILG, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing POGO company kung ito ay sangkot o may kaugnayan sa human trafficking syndicate na pangunahing target ay mga Chinese at iba pang foreign nationals.  (ELOISA SILVERIO)

153

Related posts

Leave a Comment