P5-M SHABU NASABAT SA BUY-BUST SA CAVITE

CAVITE – Mahigit sa P5 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa arestadong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Amadeo sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon.

Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng suspek na si Joel Saut y Alfamaso, nasa hustong edad.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:40 ng hapon nang isagawa Ang buy-bust operation ng mga awtoridad sa #95F Purok 3, Barangay Dagatan, Amadeo, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek sa buy-bust operation ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P102,000; at 758 gramo ng hinihinalang shabu na narekober mismo sa posisyon nito, na may street value na P5,100,000, o kabuuang P5,202,000. (SIGFRED ADSUARA)

140

Related posts

Leave a Comment