‘PONDO NG 200 DELEGADO SA JAPAN TRIP SAAN KINUHA?’

duterte japan12

(NI BERNARD TAGUINOD)

YARI ang pondo ng bayan sa 200 katao na binitbit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang biyahe sa Japan.

Ito ang ikinababahala ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano dahil malamang na ginamit umano ang pondo ng bayan para gastusan ang napakalaking delegado na hindi lamang umano binubuo government officials kundi mga kaibigan at kaalyado ng administrasyon.

“It has been circulating in social media that other friends and allies of the administration, who have no clear roles in official business, are also part of the delegation. This means that public funds could be used to shoulder their expenses,”ani Alejano.

Sinabi ng mambabatas na walang kinalaman at walang papel  ang mga kaibigan at kaalyado ng administrasyon subalit binitbit ang mga ito at walang ibang gagastos dito kundi ang gobyerno gamit ang tax payers money kaya “this could be considred corruption.”

Bago ito ay tila nadulas si Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel nang sabihin umano nito na ang reward ng Pangulo ang Japan trip dahil sa tagumpay ng administrasyon sa nakaraang eleksyon.

Indikasyon umano ito na nangampanya ang mga government officials gamit ang kanilang posisyon at tanggapan upang masiguro ang tagumpay ng mga kandidato ng administrasyon noong nakaraang eleksyon na isang paglabag umano sa batas.

“Malacañang should explain the reasons for bringing a 200-member delegation to Japan. Is it usual to bring that huge of a delegation? Ang lumalabas, nagamit na nga ang kaban ng bayan nung eleksyon, pati ba naman sa victory party sagot pa ng taumbayan?,” dagdag pa ng mambabatas.

 

183

Related posts

Leave a Comment