UNTI-UNTI na umanong nababawasan ang popularidad at suporta sa re-electionist na si Pasig City Mayor Vico Sotto, bunsod ng kinakaharap na dalawang kaso ng graft sa Office of the Ombudsman.
Base sa pinakahuling “Pulso ng Pasig” survey, ang ratings ni Sotto ay bumaba mula sa 68% ay naging 52% na lamang, dahil umano sa kanyang poor performance sa paghahatid ng serbisyo publiko.
Ang naturang graft cases ay inihain ng isang residente ng Pasig laban kay Sotto sa Office of the Ombudsman, habang isang temporary restraining order (TRO) laban sa bagong City Hall projects ng lungsod, ang inihain naman sa Pasig City regional trial court.
Ang unang kaso laban sa alkalde ay nag-ugat mula sa umano’y pagkabigo ng City Administration na maayos na ipa-bidding ang P17.2-milyong halaga ng commemorative shirts ng city hall employees para sa pagdiriwang ng 451st founding anniversary ng lungsod.
Ayon sa reklamo, noong Enero 27, 2024, si Sotto ay nag-isyu ng executive order na nagkakaloob ng P1,500 budget para sa bawat city hall employee upang tumanggap ng dalawang commemorative shirts. Gayunman, idineklara ng Human Resources department ng sumunod na araw na ang distribusyon ng mga naturang t-shirt ay isasagawa sa susunod na araw.
Samantala, ang pinakamahigpit namang katunggali ni Sotto na si businesswoman Sara o “Ate Sara” Discaya ay nakakuha ng 45% rating mula sa non-commissioned survey.
Si Ate Sara ay isang philanthropist na ang plano at bisyon ay gawing “Smart City” ang Pasig City at maabot ang bawat komunidad.
Sa vice mayoral race naman, si dating former vice mayor Iyo Bernardo ay nakatanggap umano ng 80% suporta mula sa respondents, kumpara kay incumbent Vice Mayor Dodot Jaworski, na nakakuha lamang ng 20%.
Samantala, isang Alejandro Sanoy pa ang umano’y naghain ng isa pang petisyon sa Pasig RTC noong nakaraang buwan, at humihingi ng TRO laban sa panukalang P9.6-bilyong municipal hall project ni Sotto.
Itinuturing na ito ang mga sanhi ng pagbaba ng popularidad ni Sotto.
Majority ng senior citizens at less fortunate families ay nagagalit na rin umano kay Sotto sa panahon ng kanyang unang dalawang termino dahil sa pagtanggal ng “yellow” card, na ang layunin ay pahintulutan ang mga residente ng Pasig na makatanggap ng libreng medical examinations at medikasyon.
