US EMBASSY NAGBABALA LABAN SA VISA SCAM

BINALAAN ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas ang publiko hinggil sa US visa scam na kumakalat sa mga social media na layunin ay makapanloko lamang ng mga visa applicant.

Sa statement ng US Embassy sa Maynila, nilinaw nitong wala silang anomang transaksyon sa mga social media o direktang e-mail sa mga visa applicants para mabilis na maaprubahan ang isang visa application.

Ayon sa embahada, nag-aalok umano ang mga scammer ng mabilis na approval ng US visa kapalit ng malaking halaga.

Sinasabing pinapadalhan ng fraudulent emails and messages ng mga nagpapakilalang empleyado ng US government para makapanlinlang ng mga visa applicants na hinihingan ng ng pera.

“Applicants must follow the payment steps on our website only. Other sources are not valid or legitimate. We urge individuals to be vigilant against visa fraud,” ayon sa US embassy.

“The U.S. Embassy communicates using email addresses that end in “@state.gov” or the “support-philippines@usvisascheduling.com” address. We will never directly communicate to applicants about a specific case from any other email address, social media, or other messaging platforms such as Facebook, Viber, or WhatsApp,” ayon sa statement ng embahada.

Nilinaw pa na hindi humihingi o tumatanggap ang konsulado ng visa payment via email, phone, social media, or messaging application. Lahat umano ng visa fee payments ay dumadaan sa travel.state.gov (immigrant visas) or sa ustraveldocs.com (nonimmigrant visas) portals.

Habang ang payments ay maaring gawin online within the portal, or sa pamamagitan ng cash sa anumang RCBC branch matapos na makalikha ng account. (JESSE KABEL RUIZ)

42

Related posts

Leave a Comment