MERALCO HANDA PARA SA NALALAPIT NA HALALAN

Lumahok kamakailan ang Manila Electric Company (Meralco) sa isinagawang 2025 mock elections na pinangunahan ng Commission on Elections (COMELEC) para matiyak ang maayos at maaasahang serbisyo ng kuryente para sa halalan sa ika-12 ng Mayo.

Nagsagawa ng simulation ang mga crew ng Meralco para sa agarang pagtugon sa mga alalahanin sa serbisyo ng kuryente na maaaring mangyari sa panahon ng halalan kagaya ng bumagsak na linya ng kuryente, problema sa loadside, at mga outage na dulot ng sunog. Makikita sa larawan ang simulation ng pagtugon ng mga crew ng Meralco sa ulat ng naputol na linya ng kuryente sa isang presinto sa Makati High School na gagamitin sa halalan.

Magde-deploy ang Meralco ng mga generator set at floodlight sa iba’t-ibang lugar bilang bahagi ng paghahanda para sa halalan. Mananatili rin na naka-standby 24/7 ang mga tauhan at crew ng Meralco hanggang matapos ang buong proseso ng halalan.

Mula pa noong Nobyembre 2024, nakikipag-ugnayan na ang Meralco sa COMELEC bilang pagkilala sa mahalagang papel ng serbisyo ng kuryente sa pagtiyak ng kaayusan ng nalalapit na halalan.

91

Related posts

Leave a Comment