PORTABLE X-RAY KONTRA DROGA, BARIL AT IBA PA

BILANG paghahanda sa pagbugso ng mga kargamento sa mga nalalabing buwan bago ang kapaskuhan, mas pina­igting ng Manila International Container Port (MICP) ang pagbabantay laban sa posibleng tangkang pagpupuslit ng mga droga, armas at iba pang ilegal na epektos sa bansa.
Gamit ang mga makabagong portable x-ray machines, tututukan ng MICP, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang lahat ng kargamentong inaasahang da-
dagsa sa mga buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre.
Partikular na tinukoy ng BOC ang paggamit ng mga bagong biling Viken Detection HBI-120 ng mga kawani ng BOC at maging ng mga operatiba ng PDEA para sa mabilis na pagtukoy ng mga kargamentong kahina-hinala.
Sa paglalarawan ng BOC, ang mga bagong portable x-ray hand-held device ay “rugged, ergonomic, handheld backscatter x-ray instrument” na may kakayahang tumukoy, hindi lamang droga kundi maging ang mga pampasabog na posibleng gamitin sa paghahasik ng gulo ng mga terorista, kahit pa ikubli ito sa limang pulgadang kapal ng bagahe.
Sa isang pahayag, ibinida rin ng kawanihan ang anila’y “high-resolution” ay may kakayahang sumalamin ng mismong imaheng laman ng kargamento – malayo sa tila anino lang na nababanaag ng karaniwan x-ray machine.
Binigyang pahintulot na rin ng BOC ang mga operatiba  ng PDEA na pasukin at saksihan ang mismong pagbubukas ng mga kahina-hinalang karga­mento kasama ang iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno bilang pagtitiyak na walang anumang aregluhang magaganap sa loob ng mga pasilidad ng nasabing kawanihan.
Bukod sa mga makabagong portable x-ray gadgets, nagpalabas na rin ang BOC ng mga body cameras sa kanilang mga tauhang itinalaga sa mga operasyon kontra smuggling.
Pagtitiyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, hangad nilang iwaksi ang hindi kaaya-ayang imaheng  iniwan ng mga dating nanungkulan sa kanilang ahensyang minsan nang nakilala sa katiwalian.
109

Related posts

Leave a Comment