PRESYO NG TINAPAY TINIYAK NA WALA PANG GALAWAN

WALANG agarang taas-presyo sa tinapay sa kabila ng pagmahal ng produktong petrolyo dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Ito ang tiniyak ni Asosasyon ng Panaderong Pilipino (APP) president Lucito “Chito” Chavez upang maiwasan ang panic buying sa mga mamimili.

Ayon kay Chavez, ginagawa ng kanilang grupo ang lahat upang mapanatiling stable ang presyo ng tinapay sa gitna ng krisis.

“Ngunit sa sandaling maapektuhan na ang kalidad ng aming produkto, we may need to adjust prices responsibly,” aniya.

Aminado ang APP na ramdam ng industriya ang epekto ng pandaigdigang sitwasyon sa ekonomiya.

Sa ngayon, naglalaro sa P2 hanggang P5 ang presyo ng pandesal sa mga community bakery, habang nananatili sa P44 ang Pinoy Tasty sa mga grocery.

(JULIET PACOT)

88

Related posts

Leave a Comment