(NI JG TUMBADO)
UPDATE
DALAWA katao ang patay habang nasa 215 iba pa ang sugatan makaraang yumanig ang magnitude 6.6 na lindol na tumama sa malaking bahagi ng Mindanao region kahapon.
Batay sa ipinalabas na datos ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga nasawi ang 15 anyos na si Jessie Riel Parba, grade 9 student ng Kasuga National High School sa bayan ng Magsaysay at ang 66 taong gulang na si Nestor Narciso ng Koronadal City, South Cotabato.
Ayon sa NDRRMC, nabagsakan si Parba ng mga debris mula sa nasirang gusali ng paaralan nito sa kasagsagan ng pagtama ng lindol.
Matindi namang pinsala ang natamo ni Narciso ng mabagsakan ito ng gumuhong pader sa loob mismo ng kanyang tahanan.
Dakong alas 9:04 ng umaga ng Martes ng tumama ang 6.6 magnitude na lindol sa bayan ng Tulunan, Cotabato kung saan tectonic ang origin nito at may lalim lamang na pitong kilometro sa epicenter nito.
Naramdaman ang pagyanig ng lupa sa malaking bahagi ng mga sumusunod na lugar:
Intensity VII – Tulunan at Makilala, Cotabato; Kidapawan City; Malungon, Sarangani.
Intensity VI – Davao City; Koronadal City; Cagayan de Oro City
Intensity V -Tampakan,Surallah and Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani
Intensity IV – General Santos City; Kalilangan, Bukidnon
Intensity III – Sergio Osmeña Sr., Zamboanga del Norte; Zamboanga City; Dipolog City; Molave, Zamboanga del Norte; Talakag, Bukidnon
Intensity I- Camiguin, Mambajao
Instrumental Intensities:
Intensity VII – Kidapawan City; Malungon, Sarangani
Intensity V – Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato
Intensity IV – Gingoog City, Misamis Oriental; General Santos City
Intensity II – Zamboanga City
Intensity I – Dipolog City; Bislig City; Palo, Leyte
Una ng ini ulat ng Phivolcs na magnitude 6.4 sa kanilang 9:04am na bulletin subalit pinalitan Ito ng magnitude 6.6 sa oras na 9:44 bulletin.
224