11-ANYOS, HINALAY NG BARKADA NI TATAY

BATANGAS – Nahaharap sa kasong rape at child abuse ang isang 22-anyos na lalaki makaraang gahasain umano ang 11-anyos anak na babae ng kanyang kabarkada sa Tanauan City sa lalawigang ito.

Noong Martes ng hapon nang arestuhin ng mga pulis ang suspek na si Jason Rabo, may asawa, residente ng Barangay San Juan, makaraang ipagharap ng reklamo ng mga magulang ng biktima sa Tanauan City Police station.

Batay sa report ng Tanauan City Police, nangyari ang panggagahasa sa 11-anyos na batang babae dakong 1:00 ng madaling araw sa damuhan malapit sa bahay ng biktima.

Matapos mairaos ang makamundong pagnanasa, binigyan ng suspek ng P50 pesos ang biktima at saka pinauwi.

Nadiskubre ang pangyayari nang mapansin ng ina ng bata ang kakaibang ikinikilos nito at kalaunan ay umamin na ginalaw umano siya ng suspek.

Napag-alaman na matalik na magkaibign at magbarkada ang suspek at ang tatay ng bata.

Nakakulong na sa Tanauan City Police Station at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 8353 at RA 7610 ang nasabing suspek. (NILOU DEL CARMEN)

98

Related posts

Leave a Comment