SITANGKAI, Tawi-Tawi— Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) agents sa Mindanao ang labing-limang undocumented foreign nationals sa Tawi-tawi noong Setyembre 1.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang naaresto ay kinabibilangan ng 8 Chinese, at 7 Malaysians na natuklasang pumasok sa Pilipinas sakay ng dalawang speedboats.
Ayon sa report, ang 15 dayuhan ay naharang ng pinagsamang mga elemento ng Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Navy (PN), at Philippine Army (PA) na nagsasagawa ng maritime patrol sa nasabing border areas.
“Early morning today, we received information from the patrolling agencies that those arrested have been transported to Bongao for processing,” ani Tansingco.
Ayon sa initial verification sa pamamagitan ng BI’s centralized database, nakumpirma ang pagkakaharang sa 15 katao na ilegal na pumasok na pawang walang ‘record of their entry.’
Sinabi ni Tansingco, naghahanda sila para sa deportation charges na nakatakdang isampa sa 15 dayuhan na nagtangkang ilegal na pumasok sa bansa.
Ayon sa hepe ng BI, ang pagkakahuli sa mga dayuhan ay resulta ng aktibong pagpapatrulya ng maritime agencies para pangalagaan ang hangganan ng bansa. (JOEL O. AMONGO)
28