17-anyos na ka-chat pinaghubad VIDEO IKINALAT NG LGU OFFICIAL

QUEZON – Pinaghahanap nang mga awtoridad ang municipal administrator ng bayan ng Unisan sa lalawigang ito makaraang magpakalat umano sa social media ng video ng hubo’t hubad na dalagita.

Batay sa report, nagsampa ng kaso ang mga magulang ng 17-anyos na dalagita laban kay municipal administrator Arnel Castillo matapos na kumalat sa facebook ang video ng dalagita na ini-record umano ng suspek sa kanilang video call.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Voyeurism Act at Cybercrime Law in relation to RA 7610 (child abuse)

Batay sa kwento ng biktima sa himpilan ng pulisya, madalas umano siyang nakahihingi ng tulong kay Castillo.

Ngunit sa katagalan ay hiniling ng suspek na ipakita ang maselang bahagi ng kanyang katawan habang sila ay nag-uusap sa pamamagitan ng FB messenger video chat.

Ngunit nagulat ang biktima nang mabatid na ikinalat ng suspek ang video sa mga kaibigan nito sa social media.

Pinabulaanan naman ni Unisan Mayor Ferdinand Adulta na nagtatago ang suspek.

Ayon sa alkalde, hindi nagtatago ang administrator kundi kanya munang pinag-leave habang iniimbestigahan ang kinasangkutan nitong kaso.

Pinag-aaralan na rin ng DILG kung papatawan ng kasong administratibo ang nasabing suspek. (NILOU DEL CARMEN)

86

Related posts

Leave a Comment