18 BAHAY NILAMON NG APOY SA LUCENA

LUCENA CITY – Umabot sa 18 kabahayan ang tinupok ng apoy sa sunog na sumiklab sa Brgy. 9 sa lungsod noong Sabado ng gabi.

Ayon sa Lucena BFP, sumiklab ang sunog dakong alas-6:00 ng gabi sa residential area sa Purok Ipil.

Agad nagresponde ang mga tauhan ng Lucena BFP at naapula ang apoy dakong alas-8:22 ng gabi.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente ngunit umabot sa 18 kabahayan na binubuo ng 70 pamilya, ang naapektuhan ng sunog.

Tinataya ng BFP na nasa P900,000 ang halaga ng pinsala sa insidente habang inaalam pa ang pinagsimulan ng sunog. (NILOU DEL CARMEN)

40

Related posts

Leave a Comment