2 MALALAKAS NA AFTERSHOCK TUMAMA SA DAVAO DEL SUR

(NI DONDON DINOY)

MAGSAYSAY, Davao del Sur — Dalawang malalakas na lindol na naman ang tumama dito sa lalawigan ng Davao del Sur, Miyerkoles ng umaga.

Nagulantang ang mga dumalo sa Simbang Gabi matapos biglang maramdaman ang malakas na pagyanig.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), isang magnitude 5.3 aftershock ang tumama sa Davao del Sur at mga karatig lalawigan dakong alas 4:18 ng umaga.

Naitala ang episentro ng lindol mga 28-kilometros southeast sa bayan ng Padada, may siyam na kilometrong lalim at tectonic ang origin.

Naramdaman naman ang Intensity IV sa Digos City at General Santos City.

Ayon sa Phivocs isa ito sa mga aftershocks ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Mindanao noong Disyembre 15.

Dakong alas 8:22 ng umaga naman ng tumama ang magnitude 4.8 na aftershocks dito sa bayan, kung saan ang episentro ay naitala mga 2 kilometro southwest ng Magsaysay at may lalim na 7-kilometro at tectonic pa rin ang origin.

Naramdaman din sa ibang lugar ang pagyanig:

Intensity IV- Bansalan at Digos City sa Davao del Sur

Naitala ang mga instrumental intensities:

Intensity II- Davao City

Intesnity IV- Malungon, Sarangani

Intensity II- Kidapawan City, Cotabato; Davao City, Koronadal City, at Tupi, South Cotabato

Intensity I- Alabel, Sarangani

Wala namang inaasahang pinsala ngunit patuloy na mararamdaman ang mga aftershocks.

Ang Magsaysay ay kalapit lang sa bayan ng Matanao, kung saan namatay ang 81-anyos na lola matapos atakehin sa puso at 2-anyos na batang babae matapos madaganan ng gumuhong pader sa kanilang bahay.

Nangyari ang malalakas na aftershocks, apat na araw matapos tumama ang mapaminsalang lindol sa Mindanao.

Una ng sinabi ng Phivolcs na nakapagtala na sila ng 700 aftershocks matapos ang magnitude 6.9 na lindol kung saan 70 nito ang naramdaman.

 

 

163

Related posts

Leave a Comment