27 MATATAAS NA ARMAS, ISINUKO SA MILITAR

maguindanao12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PERSONAL na isinuko ni out-going Datu Abdulah Sangki mayor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu at incoming Maguindanao governor ang 27 matataas na uri ng mga ilegal na armas mula sa mga sibilyan sa kanilang bayan sa militar nitong Sabado.

Kabilang sa mga nai-turn over na mga armas ang (1) 60-mm mortar launcher  na may isang projectile ammunition, (14) na piraso 12-gauge shotguns, (2) .50-caliber sniper rifles, (2) M-79 grenade launchers, (1) Uzi machine pistol, (1) Thompson submachine gun, (1) Carbine rifle, (2) rocket-propelled grenade launchers, (2) Ingram machine pistols, (1) M203 tube launcher at iba’t ibang  magazines.

Malugod namang tinanggap nina Army Col. Efren Baluyot, 1st Mechanized Infantry Brigade commander at  Lt. Col. Alvin Iyog ng 2nd Mechanized Infantry Battalion ang nabanggit na mga isinukong armas.

Sa kanyang mensahe sa session hall ng kanilang bayan, sinabi ng outgoing mayor na ang pagsuko sa mga matataas na armas ay bahagi ng kanyang suporta sa pagsisikap ng militar na tiyakin ang isang tahimik na komunidad.

Pareho namang nangako sina  Baluyot at Iyog na patuloy nilang susustinihan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga loose firearms para sa ikatatahimik at ikauunlad ng nasabing lugar.

Sa kasalukuyan umaabot na sa  3,000 mga ilegal na armas ang naisalin na sa pag-iingat sa mga lugar na sakop  ng 6th Infantry Division ng Philippine Army simula ng umpisahan ang kampanya noong 2017 sa mga lalawigan ng Maguindanao, Sultan Kudarat, ilang bahagi ng North Cotabato at Lanao del Sur.

Patuloy pa rin ang panawagan ni incoming governor Sangki-Mangudadatu sa mga lokal na oisyal sa kanilang lalawigan na tumulong sa kamoanya laban sa mga ilegal na armas.

Ayon naman kay 6th ID commander M/Gen. Cirilito Sobejana ang ginawa ni Sangki-Mangudadatu ay patunay ng tagumpay ng kampanya ng pamahalaan laban sa mga loose firearms.

 

147

Related posts

Leave a Comment