(NI ABBY MENDOZA)
UMABOT na sa 294 ang naranasang aftershocks sa bayan ng Talunan, North Cotabato matapos ang tumamang 6.6 magnitude earthquake kung saan 5 ang nasawi at may 8,000 residente mula sa bayan ng Kidapawan, M’lang at Tulunan ang apektado.
Pinapayuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs) ang mga residente na maging mahinahon at maging alerto dahil asahan pa na magpapatuloy na makakaramdan ng mga aftershocks sa mga susunod na araw.
Ayon sa Phivolcs, 66 sa mga aftershocks ay may lakas na 3 magnitude pataas kung saan ang pinakamataas na aftershocks na naramdaman kahapon ay magnitude 5 na tumama alas 5:22 ng umaga, tectonic ang pinagmulan nito at dahil may kalakasan ay naramdaman din ito sa Kidapawan City na nasa Intensity V, Intensity II sa Malungon, Sarangani at Intensity I sa Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato; Koronadal City.
Nakapagtala rin ng 4.4 magnitude quake sa Kidapawan City.
Sinabi ng Phivolcs na hindi magdudulot ng pinsala ang mga nararanasang aftershocks.
193