3 pang undocumented boats nadiskubre YATE SA 1.4 TONS SHABU KUMPISKADO

NADISKUBRE ng Bureau of Customs (BOC) ang tatlong undocumented boats matapos kumpiskahin ang yate na ginamit sa pagbiyahe ng 1.4 toneladang shabu na nasabat sa Alitagtag, Batangas.

Sa pakikipagtulungan ng BOC sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nagsagawa rin ng kanilang sariling imbestigasyon ang Aduana.

Magugunitang nasabat ng mga awtoridad ang ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P9.68 billion, sa inilatag na police checkpoint sa Alitagtag, Batangas noong Abril 15, 2024.

Nadiskubre ng BOC ang tatlo pang karagdagang pribadong yate na pag-aari rin ng naarestong suspek na hinihinalang sangkot sa international drug trafficking.

Katuwang ang Port of Manila (POM) Customs Investigation and Intelligence Service Field Station (CIIS), sa pangunguna ni Intelligence Officer II Joel C. Pinawin, naglabas ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) noong Hunyo 27, 2024, ang BOC implementing team, kasama ang mga kinatawan ng POM Enforcement and Security Service under District Commander Capt. Rodrigo S. Gonzales at POM Water Patrol Division sa pangunguna ni Capt. Fred Agpaoa.

Ang WSD ay inisyu ni POM District Collector Rizalino Jose C. Torralba laban sa subject vessels dahil sa paglabag sa Section 1113 ng Republic Act 10863, o kilala bilang “Customs Modernization and Tariff Act.”

Nabatid na pinamunuan mismo ni Deputy Commissioner Juvymax R. Uy ng Intelligence Group, at Deputy Commissioner Teddy Sandy S. Raval ng BOC Enforcement Group, ang nasabing operasyon na ibinase sa intel na nakalap ni Director Verne Y. Enciso ng CIIS, kaya natukoy ang mga sangkot na undocumented private yachts. (JESSE KABEL RUIZ)

48

Related posts

Leave a Comment