3 PATAY SA TRAILER TRUCK VS PICK-UP

0

QUEZON – Patay ang tatlo katao makaraang sumalpok ang isang pick-up sa kasalubong na trailer truck sa Quirino Highway, sa bayan ng Tagkawayan, sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Pawang dead on arrival sa ospital ang mga biktimang sina Jessanto Abellon, 46, driver ng pick-up; Jocelyn Perez at Dandy Perez, mga residente ng General Trias, Cavite.

Batay sa report ng Tagkawayan Police, patungong direksyon ng Bicol ang mga biktima nang mangyari ang insidente sa Barangay San Isidro, bandang alas-11:45 ng gabi.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela si Abellon sa minamanehong Toyota Hilux pick-up kaya sinakop nito ang linya ng kasalubong na FAW trailer truck na minamaneho ni Roymar Ayapana, 35, ng Pagbilao, Quezon, na patungong direksyon ng Maynila.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nagkayupi-yupi ang pick-up at naipit sa loob ang tatlong biktima.

Matapos mahugot ng rescuers, isinugod ang mga biktima sa Ma. L. Eleazar District Hospital sa Tagkawayan ngunit lahat idineklarang dead on arrival.

Ikinustodiya naman ng mga pulis ang driver ng nakasalpukang truck. (NILOU DEL CARMEN)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment