3 PETA VOLUNTEERS INIWAN NG NAGHATID

VOLUNTEER-2

IBINUNYAG ng grupong Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na may tatlo silang katuwang sa pagsagip sa mga hayop sa Taal Island, ang iniwan ng sasakyang naghatid sa kanila sa nabanggit na lugar.

Sinabi ni Anna Cabrera, executive director ng PAWS, pawang mga miyembro ng People for the Ethical Treatment of Animals o PETA ang tatlo.

“I think they were trying to rescue the animals pero naiwan po sila, kung sino man po ‘yung nagdala sa kanila roon,” ayon kay Cabrera sa panayam.

Umapila ng tulong si Cabrera para maalerto ang Philippine Coast Guard upang makuha ang tatlo mula sa isla.

“Ngayon (Enero 15) lang po sila tumawag sa akin. Kaninang umaga (Miyerkoles) lang sila nagpunta, tinawagan ako kasi iniwan sila po nung nagdala sa kanila doon. Kinuha po ‘yung mga baka, iniwan yata po sila,” aniya pa.

Hirap namang matunton ang mga nawawala dahil hindi nila masabi ang eksaktong lokasyon.

“Naku hindi nila nabanggit… doon sa may mga naiwang kabayo,” sabi niya. (KIKO CUETO)

149

Related posts

Leave a Comment