(Ni FRANCIS ATALIA)
AABOT sa 3,448 na pamilya ang magbabagong taon sa evacuation centers dahil sa pananalasa ng Bagyong Usman ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Tinatayang 13,468 na apektadong mga residente mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Bicol at ang Eastern Visayas ang mananatili sa 112 na mga evacuation centers.
Ayon sa ulat ng DSWD, tinatayang nasa P395,144 na halaga ng tulong ang naibigay ng DSWD sa mga local government units (LGUs).
144