53 NEW COVID-19 CASES NAITALA SA CALAMBA

INIULAT ng Calamba City sa lalawigan ng Laguna na nakapagtala ang lungsod ng 53 bagong kaso ng COVID-19 noong Mayo 13.

Ito ay makaraang ideklara noong Huwebes ng gabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasama ang mga lalawigan ng Laguna, Cavite at Rizal sa Rehiyon IV-A sa isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restriction, kabilang ang National Capital Region o NCR Plus mula Mayo 15 hanggang Mayo 30.

Napag-alaman, 39 ang naitalang bagong gumaling sa lungsod at isa ang namatay.

Habang mayroong 1,449 aktibong kaso sa naturang lungsod kaya’t patuloy ang paalala at panawagan ng alkalde ng lungsod ng Calamba na si Mayor Justin Chipeco na tulungan siya at unawain ng mamamayan ang mga batas upang mabilis na malampasan ang krisis na kinahaharap.

“Tandaan ang kooperasyon ay mabisang solusyon. Kaligtasan, seguridad at kaayusan sa Calamba ay prayoridad,” pahayag ng alkalde.

Bagama’t bahagyang niluwagan ang classification, patuloy ang pagpapatupad sa guidelines ayon sa isinasaad ng Inter-Agency Task Force o IATF, sa Calamba, Laguna. (CYRILL QUILO)

115

Related posts

Leave a Comment