61 CPP-NPA MEMBERS PATAY SA MILITARY OPERATIONS

TULOY-TULOY ang paghina ng armadong pwersa ng Communist Party of the Philippines at kanilang armed wing na New People’s Army batay sa datos na hawak ng Armed Forces of the Philippines para sa unang ika-apat na bahagi ng 2024.

Sa ginanap na pulong balitaan sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio Taguig City, inihayag ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, umakyat sa 1,045 ang bilang ng mga rebelde na na-neyutralisa ng militar bunsod ng inilunsad na focused military operations.

Ayon kay Col. Padilla, patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga miyembro at tagasuporta ng Communist Terrorist Group ang na-neyutralisa ng mga tauhan ng AFP base sa kanilang mga operasyon mula Enero 1, 2024 hanggang Mayo 23, 2024

Mula sa 1,045 bilang, umabot sa 926 ang pawang sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan, 58 ang arestado, at 61 naman ang napatay sa ikinasang mga operasyon ng militar.

Bukod dito ay may nakumpiskang 477 armas ang mga tropa ng pamahalaan, ilan dito ay kusang isinuko habang ang ilan ay nabawi matapos ang mga engkwentro.

Sa hanay ng local terrorist group, umabot naman sa 136 local terrorists ang na-neyutralisa ng mga sundalo, 42 sa mga ito ang napatay, 89 ang sumuko, at lima naman ang pawang nadakip ng militar. (JESSE KABEL RUIZ)

38

Related posts

Leave a Comment