7 CHINESE NAT’LS INARESTO SA MINAHAN SA BATANGAS

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Chinese nationals na nagtatrabaho sa isang quarry sa Batangas.

Ayon kay BI Intelligence Division chief, Fortunato Manahan, Jr., ang pito ay inaresto sa isang operasyon na isinagawa ng Regional Intelligence Operations Unit (RIOU) IV-A, kasama ang government intelligence force at Taysan Municipal Police Station.

Sinabi ni Manahan, target nila ang isang Wang Zhenglai, 34, na may working visa subalit may petisyon ito ng isang pekeng kumpanya kung saan dito rin nila nadiskubre ang iba pa na ilegal na nagtatrabaho.

Bukod kay Wong, ang iba pang mga nagtatrabaho ay pawang petisyon ng isang kumpanya sa Quezon City at isa sa kanila ay tourist visa lamang ang hawak.

Isa sa mga trabahador ang nagsabi na si Wang Shou Min, 67, ang “big boss” nila sa mining company, at tatay ni Wang Zhenglai.

“Foreign nationals who possess a working visa but found to be petitioned by fake companies or caught to be working in other locations may face deportation cases,” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.

Ang paggamit ng pekeng kumpanya bilang petitioner ay ginagawa nila upang makakuha ng dokumento para manirahan sa bansa.

Sinabi ni Tansingco, nag-ugat ang pag-aresto dahil sa report na maraming illegal Chinese nationals ang nagtatrabaho sa minahan. (JOCELYN DOMENDEN)

40

Related posts

Leave a Comment