8 SA 10 PINOY NANINIWALANG BANTA ANG CHINA SA WPS

IKINAGALAK ng pamunuan ng Philippine Navy na mulat na ang sambayanang Pilipino hinggil sa sigalot sa West Philippine kaugnay sa pinag-aagawang mga teritoryo, matapos lumabas sa isang pag-aaral na walo sa bawat sampung Pilipino ay naniniwalang banta ang China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Navy Commodore Roy Vincent Trinidad, Naval spokesman for West Philippine Sea, “Nakatutuwa ‘yan sapagkat sa wakas ay naiintindihan ng ating mga kababayan ang bantang dala ng China lalo na sa West Philippine Sea”.

“Ang tawag natin dyan, existential threat of our very existence as a republic, as a nation is at stake sapagkat tinagpi-tagpi n’ya yung ating teritoryo, so nakakatuwa ‘yan,” ani Comme. Trinidad

Naniniwala ang pamunuan ng Navy na malilinawan din ang mga nalalabing bilang o mga kababayan na naniniwala o sumusuporta sa China. “Pero it will reach at point that when national interest are at stake, dapat hindi na pinag-iisipan to, no brainer, ito na ‘yung national interest ang nanguna sa lahat and I’m very happy, the navy is very happy that fellow Filipinos understand the issue right now, naintidihan na nila.”

Nabatid na nitong nakalipas na linggo lamang ay naglabas ng kanilang survey ang Octa Research na sinasabing 8 out 10 Filipino ay nagsasabing hindi dapat na pagkatiwalaan ang China.

Lumilitaw na base sa March 2024 First Quarter “Tugon ng Masa” (TNM) survey, 91 percent ng adult Filipinos ang nagpahayag ng hindi pagtitiwala sa China, habang walong porsyento lamang ang salungat.

Subalit nilinaw ng tagapagsalita na hindi lamang mga isyu sa karagatan o sa West Philippine Sea dapat maging mulat ang taong bayan. Mahalaga umano na maintindihan at maging aware, maging conscious ang sambayanan sa mga nangyayari sa buong bansa.

Sinabi pa ni Trinidad , “Hindi ko sinasabing threat na ito to our nation but this is, kumbaga it’s too good to be coincidental, maraming iba’t ibang reports na ginagawa ang China, may presence sila, not only militarily but economically, politically, educational across ang tawag dyan, all the instrument of national power, may ginagawa ang China, and ang nangyari ito all over the country, kumbaga kung mag-connect the dots tayo mapapaisip ka talaga e, ito na ata hindi coincidental”.

Ibinigay na halimbawa ng opisyal ang pagkakaaresto sa ilang Chinese national na may fake passport, may mga Chinese national na sangkot sa panunutok ng baril, mga krimen na gaya ng kidnapping, nahulihan ng drone at ilang hacking, surveillance equipment, hindi natin alam, hindi na Pilipino, marunong magtagalog, pumapasok sa pulitika, meron din tayong dapat bantayan, hindi lang karagatan kundi sa loob ng ating teritoryo. (JESSE KABEL RUIZ)

34

Related posts

Leave a Comment