83-ANYOS NA BIYUDA PINATAY NG ANAK

CAVITE – Patay ang isang 83-anyos na biyuda nang takpan ng unan sa mukha ng sariling anak na may sakit na schizophrenia, sa Carmona City sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw.

Hawak na ng Carmona City Police ang suspek na si Enrico Morales y Clarito, 63, ng Brgy. 3, Carmona City, matapos patayin ang sariling ina na si Cecilia Morales y Clarito, 83, isang biyuda.

Sa naantalang report ni Police Staff Sergeant Joel Mendoza ng Carmona City Police, dakong alas-12:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kanilang bahay.

Tinakpan umano ng suspek ang mukha ng biktima ng unan nang sumpungin ang una ng sakit na schizophrenia.
Mismong si Reynato Morales y Clarito, kapatid, ang nagdala sa suspek sa presinto dakong alas-12:40 ng hapon.

Ang schizophrenia ay isang chronic brain disorder na ang mga sintomas ay delusions, hallucinations, disorganized speech at problema sa pag-iisip.

(SIGFRED ADSUARA)

88

Related posts

Leave a Comment