ANGELES CITY VICE MAYOR, 12 PA KINASUHAN NG GRAFT

PAMPANGA- Nahaharap sa kasong graft and corruption ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Angeles City matapos ireklamo sa Office of the Ombudsman ng United Pilipino Against Crime and Corruption (UPACC) noong Huwebes.

Inihain ang reklamo kasama ang motion for issuance of immediate preventive suspension laban sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Angeles City, Pampanga na umano’y kumuha ng “ghost employees” noong 2022.

Kabilang sa mga respondent sina Vice Mayor Ma. Vicenta Vega Cabigting at ang mga Konsehal ng Lungsod na sina Joan Crystal Aguas, Marino Bañola, Crisanto Cortez, Danilo D. Lacson, Joseph Alfie Bonifacio, Edgardo Pamintuan, Jesus Sangil, Atty. Arvin Suller, Raco Paolo Del Rosario, Alexander Indiongco, ABC President Jeremias Alejandrino, at SK President Arnoah Prince Mandani.

Ayon kay Pyra Lucas, chairperson ng UPACC, base sa ulat ng Commission on Audit (COA) na ang mga respondent ay kumuha ng kabuuang 171 indibidwal bilang job order (JO) na mga empleyado para sa taong 2022 lamang, na ayon sa COA ay hindi naaangkop. (ELOISA SILVERIO)

193

Related posts

Leave a Comment