BANGKAY NG DALAGITA NATAGPUAN SA DAGAT

CAVITE – Hinihinalang nalunod ang isang dalagita na natagpuang walang buhay sa dagat sa Cavite City noong Sabado ng gabi.

Inilarawan ang biktimang nasa ng 13 hanggang 17-anyos.

Ayon sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi nang natagpuang ang bangkay ng biktima sa dagat na sakop ng Barangay 62A, Cavite City, ng dumaraang mga mangingisdaa.

Tulong-tulog nilang iniahon ang bangkay ng biktima sa pampang sa nasabing lugar.

Wala namang nakitang anomang senyales ng sugat sa katawan ang biktima kaya pinaniniwalaang nalunod ito. (SIGFRED ADSUARA)

8

Related posts

Leave a Comment