BATANES ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

ISINAILALIM na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Batanes dahil sa serye ng pagyanig na nag-iwan ng siyam na patay at higit 60 sugatan sa bayan ng Itbayat.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Ricardo Jalad, takot pa rin na magsibalikan ang mga residente sa kani-kanilang bahay dahil sa mga nararamdaman pang aftershocks.

“Ang unang ginagawa ngayon ay yung assessment ng mga bahay. Ang report lang namin dito na nasirang bahay ay 15, so merong assessment na gagawin na pangungunahan ‘yan ng DPWH (Department of Public Works and Highways) para mai-check yung safety ng mga bahay (kung) alin doon ang mga hindi puwedeng balikan at ano pang puwede nang balikan,” sabi ni Jalad.

“Para naman makapagbawas doon sa mga agam-agam na may mga natatakot silang bumalik dahil may nararamdaman pang mga aftershock. Siyempre nakakatakot ‘yun talaga at nakikita natin na nararamdaman natin na gumagalaw yung mga bahay,” dagdag pa nito.

Nakapagtala na ng 230 aftershocks mula Sabado ng umaga hanggang Martes ng umaga.

Nasa 2,000 residente ang nananatili sa mga tent sa mga parke at gym sa takot na gumuho ang kanilang bahay.

“Ang magandang tulong dito ay tulong pinansyal para sa mga kababayan na nasiraan ng bahay,” sabi pa ni Jalad. “Para maitayo nila ang bahay bna matibay at hindi basta-bastang mapinsala ng lindol.”

 

176

Related posts

Leave a Comment