BAYAN SA NEGROS OCCIDENTAL ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

BUKOD sa Canlaon City, nagdeklara na rin ng state of calamity ang La Castellana sa Negros Occidental

Ayon kay Mayor Rhumyla Nicor Mangilimutan ng La Castellana, bagama’t higit sa dalawang barangay lamang ang direktang apektado ng ash fall noong Lunes ng gabi ngunit ang amoy ng asupre ay nakaapekto sa 13 barangay ng bayan.

Pinaghahandaan din ng LGU ang posibilidad na lumalala pa ang sitwasyon dahil kung pagbabasehan ang naunang pattern ng pag-aalburuto ng bulkan noon ay maaari pa itong magkaroon ng kasunod na pagsabog.

At ito ang pinaghahandaan pa ng LGU kaya kahapon ay nag-convene ang konseho ng bayan at nagdeklara ng state of calamity.

May nai-report na rin na nasirang mga pananim dahil sa ash fall.

Mahigit sa 200 pamilya sa La Castellana ang nagsilikas nang mag-alboroto ang bulkan noong Lunes.

May mga nanatili pa rin sa evacuation center na mga residente hanggang kahapon. (NILOU DEL CARMEN)

42

Related posts

Leave a Comment