BOSERO SWAK SA KALABOSO

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang 19-anyos na binatang mangangahoy makaraang bosohan ang isang ginang na naliligo sa banyo sa labas ng kanilang bahay sa Bacoor City sa lalawigang ito.

Bukod sa acts of lasciviousness, sinampahan din ng kasong paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165 ang suspek na si Michael Vergara, isang delivery boy at residente ng Silver Crest Dos St., Justine Ville Subd., Panapaan VI, Bacoor City.

Ayon sa salaysay ng biktimang si Mina, 47, kay P/Corporal Christian Jovita ng Bacoor City Police Station, naliligo siya sa kanilang banyo sa labas ng kanilang bahay nang napansin nito na tila may mga matang nakatitig sa kanya.

Bunsod nito, sumigaw ang ginang na nakatawag ng pansin sa kanyang asawa na nasa loob ng kanilang bahay na siyang dumakip sa suspek at ipinaaresto sa barangay tanod dakong alas-3:30 nitong Lunes ng hapon.

Ngunit  depensa ng suspek, naroon siya sa lugar para mangahoy at wala siyang intensiyon na manilip.

Gayunman, nang makarinig siya ng patak ng tubig mula sa loob ng banyo sa labas ng bahay ay inusyuso niya at bahagya niyang  binuksan ang kurtina na nagsisilbing tabing, naging dahilan para makita ang kabuuan ni Mina.

“Pero imposibleng nangangahoy ang suspek, kasi wala namang kakahuyan sa lugar,” ayon kay Jovita.

Nang inspeksiyunin ang suspek, nakuha ang tinatayang 1.7 gramo ng  pinatuyong dahon ng marijuana  sa kanyang bulsa. (SIGFRED  ADSUARA)

 

183

Related posts

Leave a Comment