CHINESE NATIONAL ARESTADO SA KIDNAPPING

ARESTADO ng mga operatiba sa lalawigan ng Zambales ang isang Chinese national na umano’y sangkot sa insidente ng kidnapping noong Lunes ng gabi.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO3) Director, PBGen Jose Hidalgo Jr., si alyas “Wu”, isang 35-anyos na Chinese national, ay inaresto ng mga tauhan ng Subic Municipal Police Station matapos itong i-flag down sakay ng kanyang minamanehong puting BMW sedan para sa beripikasyon.

Sa halip na huminto, mabilis na humarurot palayo patungo sa Castillejos ang suspek na nagdulot ng matinding habulan.

Matagumpay na naharang ang sasakyan ng suspek sa Barangay San Jose, Castillejos.

Sa isinagawang beripikasyon, nakumpirma na ang sasakyan ay sangkot sa insidente ng kidnapping kung saan ang biktima ay kinilalang isang “Yi”, 33-anyos na Chinese national na naninirahan sa Malate, Manila, at nakatala sa Sub-Station 2 Official Blotter book sa Makati City bandang alas-6:10 ng gabi noong Hunyo 10, 2024.

Si “Wu” na naninirahan sa MA-A, Davao City, Davao del Sur, ay dinala ng Subic Police kasama ang biktimang si “Yi” para sa karagdagang imbestigasyon. (ELOISA SILVERIO)

30

Related posts

Leave a Comment