DALAGA PATAY SA KALUNGKUTAN 

MISAMIS Oriental – Labis na kalungkutan umano ang nagtulak sa isang dalaga para tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Jerlyn Campeon, 19-anyos at residente ng Sta. Cruz, Tagoloan, Misamis Oriental.

Batay sa report ng Tagoloan Police Station, bandang alas-4:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima habang nakabigti sa biga ng kanilang bahay.

Kuwento ng pamilya, wala silang matandaan na problemang idinadaing ang biktima maliban na lamang sa pagiging malungkutin nito at mas gustong mag-isa kaysa makihalubilo.

Paniwala ng kaanak, posibleng nauwi sa depresyon ang pagiging tahimik ng biktima na nauwi sa pagpapakamatay nito. (ANNIE PINEDA)

313

Related posts

Leave a Comment