(NI BONG PAULO)
KULUNGAN ang bagsak ng isa sa mga suspek sa pambobomba sa Davao City matapos na mahuli ng mga operatiba ng mga pulisya sa inilatag na operasiyon sa mismong bahay ng suspek sa Barangay Bagua ng nasbaing lungsod, ayon sa ulat kahapon.
Nakilala ang suspek na si Abubakar Pagayao, alyas Jing at alyas Kario, ng Mother Barangay Bagua, Cotabato City.
Nahuli si Pagayao ng mga intelligence operatives ng militar at pulisya malapit lamang sa bahay na tinutuluyan nito, alas-8:45 ng umaga.
Sinasabing si Pagayao umano ang utak sa pagpapasabog sa Davao City noong Septembre 2, 2016 na ikinasawi ng 14 katao at pagkasugat ng 70 iba pa.
Miembro ng Ansar Khalifa Philippines, Dawah Islamiyah at Maute Terror Group ang suspek.
Dinakip ang suspek base na rin sa Martial Law Order No. 2 Pursuant to Proclamation No. 216. Sa ngayon ay isinasailalim na sa interogasyon ang nahuling suspek.
146