DPWH ENGINEER, 1 PA INAMBUSH

ILOILO – Nakaligtas sa sunod-sunod na putok ng baril ang isang engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang driver nito nang tambangan nitong Lunes ng umaga sa bayan ng Sta. Barbara sa lalawigang ito.

Ayon sa pagsisiyasat ng Sta. Barbara Municipal Police Station, dalawang hindi kilalang riding in tandem gunmen ang nasa likod ng pag-ambush sa dalawang kawani ng DPWH.

Base sa imbestigasyon, sakay ng isang pick-up truck si Engineer Eva Bedonia, chief ng quality assurance ng DPWH-Iloilo 4th District Engineering Office, at driver nitong si Rogelio Serilo Jr., nang biglang dikitan at pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Tinamaan ng limang bala ang sasakyan, partikular sa passenger side kung saan nakaupo si Bedonia ngunit masuwerteng hindi ito nahagip ng punglo.

Hinala ng mga imbestigador, posibleng si Bedonia ang talagang target ng pananambang bagama’t nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat sa insidente. (JESSE KABEL)

137

Related posts

Leave a Comment