DRUG PERSONALITY PATAY SA PDEA-MILITARY OPS

ISANG notoryus na drug personality ang napaslang ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippine-Western Mindanao Command at Philippine Drug Enforcement Agency sa inilunsad na anti- narcotics operation nitong Sabado ng umaga sa South Ubian, Tawi-Tawi.

Ayon kay Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Marine Battalion Landing Team-6 at Philippine Drug Enforcement Agency-IX ang lugar na pinaglulungaan ng drug suspects na sinasabing responsable sa illegal drug trade sa Barangay Bintawlan (Bintawlan Island), South Ubian.

“Sensing the presence of the government forces, the target personalities open fired which forced our troops to retaliate,” ani Lt. Gen. Vinluan, Jr.

Sa kasagsagan ng putukan, isang drug personality ang napatay at isang M16 rifle, isang M14 rifle, isang cal. 45 pistol, at assorted drug paraphernalia ang nasamsam ng mga awtoridad.

“Our troops continue to scour the area while the neutralized personality and seized items were turned over to the PDEA for proper disposition,” pahayag naman ni Lt. Col. Noel Calendatas, commanding officer ng MBLT-6.

Pinapurihan naman ni Brig. Gen. Arturo Rojas, commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, ang mga mga sundalo at mga operatiba ng PDEA sa nasabing successful operation.

“This is attributable to the strengthened collaboration among the intelligence, military, and other law enforcement agencies. This is a testament that superb collaboration and cooperation results in high performance of the government’s security forces,” ani Brig. Gen. Rojas. (JESSE KABEL)

53

Related posts

Leave a Comment