EX-CAFGU NA SUSPEK SA RAPE, TIMBOG SA PNP-AKG

ISANG dating kagawad ng Civilian Armed Auxiliary na may mga kaso ng panggagahasa, ang nadakip ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/BGen. Jonnel C. Estomo sa Purok Mars, Brgy. Venus, sa bayan ng Sergio Osmeña, sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte noong Lunes ng gabi.

Ayon kay P/Maj. Ronaldo Lumactod, PNP-AKG spokesman, bandang alas-9:00 noong Lunes ng gabi ay nadakip ng kanilang mga tauhan ang suspek na si Rochel Macasandag Enanyog, dating miyembro ng CAFGU at itinuturing na no. 4 most wanted sa person sa nasabing bayan.

Si Enanyog ay pakay ng inilabas na warrant of arrest ni Hon. Jose Rene G. Dondoyano, presiding judge ng RTC Branch 7, ng 9th Judicial Region, Dipolog City, Zamboanga Del Norte at walang piyansang inirekomenda para sa suspek.

Sa impormasyong ibinahagi ni Maj. Lumactod, ang suspek ay nahaharap sa tatlong kaso ng panghahalay sa dalagitang anak nito, bukod pa sa kasong sexual assault.

Napag-alaman, makaraang makakuha ng kopya ng warrant of arrest, agad nagsagawa ng intelligence and surveillance operation ang mga operatiba ng PNP-AKG Mindanao Field Unit, sa pamumuno ni P/Lt. Col. Clarence Gomeyac, at sinalakay ang pinagtataguan ng suspek, sa tulong ng Sergio Osmeña MPS, Zamboanga del Norte MPS at 1st Zamboanga del Norte Police Mobile Force Company (ZNPMFC), sa Purok 3, Brgy. Tuburan.

Kasalukuyang nakadetine na ang suspek sa Sergio Osmeña MPS. (JESSE KABEL)

60

Related posts

Leave a Comment