EX-COP NA SABIT SA GUN FOR HIRE, NAPATAY

PANGASINAN – Patay ang isang dating pulis na sangkot umano sa gun for hire group, makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad na tangkang dumakip sa kanya noong Lunes sa bayan ng Mangaldan sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng pulisya, matagal nang pinaghahanap ng mga alagad ng batas ang suspek na si Efren Ponceja dahil sa kasong pagpatay.

Sa tulong ng ilang informant, natunton ang pinaglulungaan ng suspek sa bayan ng Mangaldan ngunit nang aarestuhin ng mga pulis, agad umanong nagpaputok ng baril kaya gumanti ang mga awtoridad at napaslang ito.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na itinuturong suspek si Ponceja sa pagpatay sa isang pulis na sa Binalonan, Pangasinan noong 2016.

Ayon kay Col. Redrico Maranan, Pangasinan police chief, nakatulong sa kanila ang ipinatutupad ng community quarantine sa anti-criminality campaign ng pulisya. (JESSE KABEL)

74

Related posts

Leave a Comment