FOREIGN TERRORIST PATAY SA MILITARY OPS?

terror

NAGSAGAWA ng intelligence driven surgical operation ang Philippine Army gamit ang dalawang fighter plane ng Philippine Air Force sa natunton na kuta ng Daesh inspired Bangsamoro Islamic Freeddom Fighters sa Maguindnao, sa ulat ng militar Linggo ng hapon na nag resulta sa kamatayan ng walong Bangsamoro Islamic Freedom Fighter.

Ayon Maj Gen. Cirilito Sobejana, commander, 6th Infantry Division, kasalukuyang inaalam ng kanyang mga tauhan kung kasama sa mga nasawi ang ilang foreign terrorists na nagkukubli sa lugar sakop ng Sutan sa Barongis .

Ayon kay  Sobejana may mga pangalan na sila ng napaslang subalit kasalukuyan pa nilang bina-validate kung kabilang sa nasawi si Salahudin Hasan,  sub-commander ni Daulah Islamiya Toraife  group.

Naging matindi umano ang bakbakan dahil nasa lugar din mismo si Abu Toraype kasama si Mawiya, isang Singaporean, dalawang Arab at  Middle Eastern-looking na indibidwal at dalawang Malaysian.

Sa impormasyong nakalap ni Sobejana sa ground forces, nasa area pa ang mga banyagang terorista at tuloy-tuloy pa rin ang military operation habang inaaalam kung nakasama na ang mga ito sa natamaan ng Philippine Air Force  FA50 na nagbagsak ng  500 lbs na bomba Sabado ng hapon.

Nabatid na matapos ang surgical strike ay nagsagawa naman ng artillery fire ang mga tauhan ng Army saka sinundan ng ground assault .

Sinasabing aabot sa 100 ang mga tauhan na kasam ni Torayfe sa nasapul na main camp ng BIFF na itinuro mismo ng kanilang kasamahan na sumuko na kinilalang si  Gani Saligan, brigade commander sa loob ng 20 taon sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters Karialan faction.

Sinabi pa na  nagkaroon  ng rido sa grupo ni Hasan kaya sya mismo ang nagturo ng kuta.

Nabatid na kinakanlong ng grupo ni Salahudin Hassanna, tauhan ng Daulah Islamiyah Toraype.

 

197

Related posts

Leave a Comment