UMAABOT na sa 94 pasahero ang stranded sa Lipata Port Surigao del Norte dahil sa bagyong ‘Amang’ matapos maisama sa signal number 1 ang lalawigan. Pinayagan namang makabiyahe ang 27 rolling cargos.
Sa Baseport patungong Siargao ay 22 na ang pasaherong stranded at 11 sasakyang pandagat ang hindi nakabiyahe.
May ipinalabas din na heavy rainfall warning No. 5 para sa Dinagat Island, Siargao island, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Sur kasama na ang Davao Oriental at Compostela Valley na nangangahulugang nanatiling banta ang pagbaha at landslide sa nasabing mga lugar.
Nananatili namang nakaalerto ngayon ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office o local DRRMOs sa buong Caraga region lalo na sa mga naninirahan sa mga low-lying areas at yaong nasa gilid ng mga tributaries dahil sa posibleng magaganap na mga pagbaha at landslides.
355