KAINUMAN PINUGUTAN

Pinagtataga hanggang sa mapugot ang ulo ng isang mister ng kanyang nakaalitan sa inuman kahapon.

Nakilala ang biktima na si Ernesto Dalay, nasa hustong gulang habang ang nadakip na suspek at kinilalang si Renante Andig, kapwa taga Davao City.

Nabatid na bago ang insidente ay nag-iinuman pa ang suspek at biktima ngunit makalipas ang ilang oras ay nagkakulitan na ang mga ito hanggang sa nagkasagutan na.

At upang matigil na ang kanilang pagtatalo ay minabuti ng biktima na umuwi at matulog, subalit binalikan siya ng suspek at pinagtataga hanggang sa maputol ang ulo na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Ayon sa misis ng biktima, nakaramdam siya ng mga yabag kaya inalam nito kung sino ang pumasok sa kanilang bahay hanggang sa nakita nito na pinagtataga ng suspek ang kanyang asawa.

Mabilis na nakahingi ng tulong ang misis ng biktima kaya mabilis na nahuli ang suspek.

Nakakulong ito ngayon sa himpilan ng pulisya sa Davao City at nahaharap sa kasong murder.

6

Related posts

Leave a Comment