(NI FROILAN MORALLOS)
KINUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Port of Subic ang mga karne na sinasabing galing pa sa bansang China , na pag-aari ng Rudarr Trading Corporation .
Ayon sa report na nakarating sa opisina ng Bureau of Customs (BoC) ang mga karne noong Mayo 29, sa Port of Subic na pinaniniwalaan galing sa bansang apektado ng African Swine Fever (ASF).
Makaraang makatanggap ang BoC ng report, agad na ipina- surveillance at mahigpit na monitoring ng mga tauhan ng Office of the District Collector and the Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), ng Port of Subic.
Anila, ito ay bilang pagsunod sa kautusan ng Food and Drug Administration’s order at ng Department of Agriculture’s memorandum on “Temporary Ban on the importation of Domestic and Wild Pigs and their products including Pork Meat and Semen” originating from African Swine Fever (ASF) infected countries such as China.
Kaugnay nito, agad na nag-isyu ang opisina ng District Collector sa Port of Subic ng kautusan makaraang madiskubre na ang laman ng mga naturang kargamento ay pork meat products – pork balls, na tinatayang aabot sa P600,000.
Nadiskubre sa eksaminasyon ng mga taga-Customs na ang tunay na laman ng shipment na ito ay mga fish tofu at mga karton ng pork and pork derived products.
190