LADY TRADER SUGATAN SA AMBUSH NG RIDER

CAVITE – Sugatan ang isang 61-anyos na negosyanteng ginang makaraang pagbabarilin ng isang motorcycle rider habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa Gen. Trias City noong Linggo ng umaga.

Nilalapatan ng lunas sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si alyas “Norma”, ng Brgy. Biclatan, Gen. Trias City, dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na isang motorcycle rider na armado ng .45 kalibreng baril.

Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang Isuzu Max na may plakang DAE 8870, kasama ang kanyang hipag at isa pang babaeng kaibigan, bandang alas-10:455 ng umaga, at binabagtas ang kahabaan ng Arnaldo Highway, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City.

Ngunit dinikitan umano ito ng isang motorcycle rider at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa kanang dibdib.

Matapos ang pamamaril, pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo sa direksiyon ng Brgy. Santiago, Gen. Trias City, habang ang biktima ay mabilis na isinugod sa ospital.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at ang posibleng suspek sa insidente. (SIGFRED ADSUARA)

67

Related posts

Leave a Comment