LAGUNA VICE MAYOR SINUSPINDE NG DILG

INIUTOS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 4-A CALABARZON, ang pagpapatupad ng siyam na buwang suspensyon sa vice mayor ng Cavinti, Laguna na si Milbert Oliveros.

Sa inilabas na memorandum ni DILG CALABARZON Regional Director Ariel Iglesia, na may petsang Agosto 2, iniutos nito kay DILG Provincial Director John Cerezo ang implementasyon ng suspensyon sa panunungkulan ng vice mayor sa kanyang tanggapan sa loob ng 9 na buwan nang walang suweldo.

Ang suspensyon ay batay sa naging desisyon ng Office of the Ombudsman hinggil reklamo ng isang Myra Ventura laban sa vice mayor na inilabas noong Enero 7, 2021.

Inatasan din ni Iglesia si Cerezo na makipag-ugnayan kay Cavinti Mayor Arrantlee Arroyo upang matiyak ang pagsunod sa desisyon ng Ombudsman.

Nag-ugat ang reklamo kay Oliveros noong siya pa ang mayor ng Cavinti, dahil sa umano’y maling paggamit nito ng pondo ng LGU at pakikialam sa budget na para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

(NILOU DEL CARMEN)

371

Related posts

Leave a Comment