LANDMINE NA ‘DI SUMABOG, NAKUBKOB NG MILITAR

MILITARY TAKEOVER

DAVAO del Sur – Agad kinubkob ng militar at pulisya ang isang improvised smasher landmine na nakita ng isang concerned citizen na inilibing sa gilid ng daan sa may tower sa Brgy. Asbang, sa bayan ng Matanao nitong lalawigan.

Daling pinuntahan ng mga miyembro ng 2nd Company ng Davao del Sur Provincial Mobile Force Company (DSPMFC), 1104th Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at 39th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army, ang lugar noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Captain Rhuel Barachina, hepe ng Matanao Municipal Police Station, ang nasabing eksplosibo ay inilibing nang 45 degrees ang lalim.

Napag-alaman, isang concerned citizen mula sa kalapit na Brgy. Colonsabak, ang nakakita sa landmine kaya nakipag-coordinate agad sa Explosive Ordnance Division (EOD) at sa tulong isang K9 dog ay natunton ang kinaroroonan nito. (DONDON DINOY)

72

Related posts

Leave a Comment