LIBO-LIBONG DINAMITA NASAMSAM SA BUKIDNON

LIBO-LIBONG piraso ng mga dinamita ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Army 4th Infantry Division sa Sitio Malinao, Barangay Kalasungay, Malaybalay City, Bukidnon.

Ayon kay Army 4th ID commander, Maj. Gen. Romeo Brawner, umabot sa 1,076 na 22mm x 189 grams dynamites stick at isang anti-personnel mine (APM) ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng 8th Infantry “Dependable” Battalion, Philippine Army, Bukidnon Provincial Intelligence Unit, Bukidnon Provincial Explosive Ordnance Disposal at Canine Unit sa Sitio Malinao, Barangay Kalasungay, sa Malaybalay City.

Ito ay matapos na matuntong ang imbakan ng mga pampasabog sa tulong ng isang dating kasapi ng komunistang New People’s Army na kinilalang si Ronald Landasan alyas “Gamay/Gaspar,” 47, dating squad leader ng Sentro De Gravidad (SDG) Dario, Guerilla Front 89, Sub-Regional Committee 2 (SRC2), North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC).

Nabatid na gagamitin ng communist terrorist group ang mga nakabaon na dinamita sa paggawa ng anti-personnel mines.

Kaugnay nito, inihayag ni Lt. Col. Edgardo Talaroc Jr., commander ng 8IB, nakikipag-ugnayan na sila sa PNP para sa paghahain ng kaso laban sa CPP-NPA.

Samantala, umabot naman sa 77 International Humanitarian Law prohibited landmines ang nakumpiska sa pag-iingat ng CTG’s at winasak ng 4th Infantry (Diamond) Division sa pamamagitan ng 10th Forward Service Support Unit (10FSSU) sa Brgy. Tignapoloan, Cagayan de Oro City.

Ayon kay MGen. Brawner, ang 77 assorted IEDs na sadyang ginawa para maging anti-personnel landmines (APM) ay sinira sa pamamagitan ng ligtas na pagpapasabog ng 10th Forward Service Support Unit (10FSSU) sa pangangasiwa ni Lt. Col. Vladimir DC Sta. Maria, Commanding Officer, katuwang ang EOD personnel mula 2nd Explosive Ordnance Disposal (EOD) Platoon, 2nd EOD Company ng EOD Battalion ng Army Support Command (ASCOM).

Paliwanag pa ni Maj. Gen. Brawner, sa ilalim ng Ottawa treaty o 1997 Anti-Personnel Mine (APM) Ban Convention, ang paggamit ng landmine at tahasang ipinagbabawal. (JESSE KABEL)

377

Related posts

Leave a Comment