3 MURDER, RAPE SUSPECTS NABITAG NG PNP-PRO5

DALAWANG murder suspects at isang akusado sa panggagahasa ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 na nasa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, sa inilunsad na manhunt operation sa Samar at Camarines Norte.

Sa isinumiteng ulat kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, nadakip sa inilunsad na law enforcement operation sina Sandro Marantal alyas “Andoy”, 33, ng Brgy. Mungolbungol, Northern Samar, at Jason Marantal alyas “Hadji/Buboy”, 31, binata, farmer/fisherman at naninirahan sa Brgy. Sablayan, Juban, Sorsogon.

Nitong nakalipas na Linggo, sinalakay ng mga operatiba ng 2ND Police Mobile Force Company (lead unit) at San Vicente Municipal Police

Station NSPPO, ang pinagtataguan ng mga suspek sa Brgy. Mungolbungol, Northern Samar sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Boanerges C. Candolea ng RTC Branch 53, sa kasong murder ngunit walang inirekomendang piyansa.

Huli naman ang top 4 municipal most wanted person ng Jose Panganiban, Camarines Norte na kinilalang si Rogen Marte Paular alyas “Bager”, 42, ng Purok 4, Brgy. San Jose, Jose Panganiban.

Walang piyansang inirekomenda si Judge Rene Morallo dela Cruz ng RTC, Branch 5, Daet, Camarines Norte para sa kasong rape ng suspek. (JESSE KABEL)

223

Related posts

Leave a Comment